Jojorazzi was first created in April 18, 2010. My main goal is to give my visitors the best experience when searching for related articles. All the topics here are very interesting and updated. I truly appreciate your visit and hope you visit my BLOG on a daily basis...Thank you so much!

HOW TO AVOID ILLEGAL RECRUITER and EMPLOYER?

Things You Should Know Before You Leave:
1. Alamin ang nakalagay na profession sa VISA. Pag iba sa ina-applyan o iba sa sinabi. Think!
2. Meron kang kopya ng copy ng contract, signed by you and employer. Pag wala? Think!
3. Hindi nilipat ng original Agency kung saan nag-apply. Pag nilipat sa iba lalo na sa pitsugin na agency. Think!
4. Pag dating mo sa airport, iba ang contract na pina-sign sa POEA. Think!
5. Pag tinuturuan ka ng Agency na mag-sinungaling sa POEA sa airport. Think!
* Huwag kayo manghinayang sa ginastos nyo as long as walang hinihinging placement. Pag medyo duda ka? Ireklamo mo agad sa Abugado o sa POEA / OWWA.

Ang mga sumusunod ay Proseso ng mga Lehitimong Agency:
1. Recruitment / Manpower Pooling - dito nagsisimula ang submission ng Applications Forms, Resume, Credentials at iba pang Documents. Pasimula pa lang ito at wala pang bayaran dito.

2. Selection / Shortlisting - dito napipili kung sino ang pwede sa position na ina-applyan. Ito ay ginagawa ng Agency Representative o Recruitment Consultant at ng Employer. Pagkatapos masuri ang mga documento at qualification ng bawat applicant, nakalista na kung sino ang interviewhin ng employer o employer representative.

3. Interview / Job Offer / Contract signing - sa interview ang applicant ay may pagkakataon na makita ang kanyang Employer or Representative. Dito rin ma-assess ng aplikante kung maayos ba ang kanyang prospect employer or representative ayon sa mga nakikita at na-obserbahan habang ine-interview sya. Ito ay mahalaga para alam nyo kung maayos o anong klaseng tao ang makakaharap o makasama mo doon sa kumpanya pagt-trabahuhan mo. Ang representative ay ang suma-salamin sa employer o kumpanyang iyong pagt-trabahuhan. Dito na rin nagaganap ang paghingi mo ng iyong sweldo at benepisyo. Kung magkasundo kayo ito ay hahantong sa Contract signing.

4. Medical / Documentation / Processing (Visa) - sa Medical kailangan mo magpaluwal ng pera para sa medical testing sa clinic na kung saan ka na-assign. Sa Clinic magb-bayad at di sa Agency. Documentation ay isa-submit ang Passport, authenticated Transcript of Record, Diploma, etc. Kung tapos na ang medical at documentation, mag-sisimula na ang bayaran sa Agency for Processing ng VISA sa Embassy ng bansang iyong pupuntahan. Pag walang bulilyaso, tuloy na sa last stage.

5. Ticketing / PDOS / POEA Registration / Repatriation - ang Agency ang mag-aayos ng ticket kung when ka paliliparin ayon sa kasuduan nila ng iyong Employer. A-attend ka ng PDOS (Pre-Departure Orientation Seminar) para may alam ka sa lugar na iyong pupuntahan. Ang Agency ay magr-report sa POEA kung ano man ang requirement at napagkasunduan (Copy of Contract) ninyo ng iyong Employer bago ka payagan makaalis ng bansa. Ito ay kasiguruhan na hindi ka ino-onse ng Agency na nag-recruit sa iyo. Kaya kailangan mo ng OEC (Overseas Employment Certification) at ito ay ibibigay sa POEA counter sa Airports bago ka pumasok sa Departure Area. Kailangan mo rin ito para di ka magbayad ng Travel Tax at Terminal Fee.

* Look for big ADS with big fonts and few job openings. Pagmalaki ang ADS, syempre malaki din ang company. Hindi Agency ang nagbabayad nito kundi ang Client nila. Any cost incurred by the agency in recruitment karga nyan sa client. Kaya kahit buong page nyan, okey lang, bayaran naman ng client nila yan.

* Ito ang mga criteria ng dapat hindi pinapatulan na ADS at Agency na nag-publish nito. Malaki nga pero maliit ang fonts. Sa dami ng bakante, ewan ko kung maasikaso pa kayo. Puntahan nyo, ang liit-liit lang ng opisina ng mga nyan. Tapos, maghihintay ka maghapon walang nangyayari. Pag mag-tiyaga ka lalo, then you qualify to be fooled. Bakit? Dahil sinusukat nila ang pasensya nyo. Dito na nagsisimula i-assess ng recruiter kung sino ang kanilang lolokohin at kung sino ang may kakayahan magreklamo. Mga ADS na paulit-ulit na pina-published. Nabasa mo 6 months ago, lumabas na naman. Dahil siguradong walang nakukuha o uma-apply. Mga ADS na nag-lalagay ng salary range na sobra naman ng laki. Hindi totoo yan. Gimmick lang ang mga yan. Mga ADS na may nakalagay. "Due to the urgency of the vacancy, those who are currently employed and cannot be deployed immediately will not be entertained." Bigat ano? Ayaw lang nila masayang ang oras nila sa mga aplikanteng magba-bargain. Hindi ka na maka-bargain dito pag dito ka um-apply. Kaya barya-barya lang ang ibibigay sa iyo. Gustong-gusto ng mga ito ang mga aplikanteng walang trabaho lalo na ang galing sa abroad din. (Alam na alam nyo kung ano ang pangalan ng agency na ito. Naka-post ‘yan sa workabroad.com May award pa nga yan) Mga ADS na may job description na sobra naman ng dami. Aba, ano palagay nila sa iyo si Superman. Pati trabaho ng magiging amo mo, ibibigay sa iyo.

* Sa pag gawa ng RESUME refer ko kayo sa Workabroad.com, maganda ang format na nagawa nila na ginagamit ng mga recruitment agencies. Sa Resume din nakalahad ang iyong job description. Well, you have to put time and effort sa pag gawa ng Resume. Dahil ito ang selling points nyo prior to the interview.

* Paano naman gawin itong Job Description? Punta kayo ng OWWA Library, F.B. Harrison St. cor. Buendia Ave., Pasay City or ILO Library, RCBC Plaza. Hanapin nyo ang libro na published ng International Labor Organization entitled International Labor Standard of Occupation. You may also visit this website. www.ilo.org/public/english/bureau/stat/isco/index.htm Dito nailathala at nakasulat ang lahat na job description ng lahat na klaseng trabaho na inilathala ng ILO at naging basehan ng mga bansang kasapi nito ukol sa gawain ng mga manggagawa sa iba’t ibang klaseng hanapbuhay. Itong ang gawin mong reference sa pag gawa ng iyong job description. Hindi ko sinasabi na i-copy paste mo para tumugma ang job description mo sa kumpanyang a-applyan mo. Sa totoo lang, karamihan dyan ay mali, dahil ang iba dyan ay gawa lamang ng agency na wala ring alam sa trabaho na hinahanap nila. Craft your own job description that would be realistic, presentable and impressive but not exaggerated. Isulat mo lang ang ginagawa nyo at kaya nyong gawin. Huwag nyong isulat ang gawain ng amo nyo at it will give you more minus points rather than pogi points, kahit ginagawa nyo pa ito. Just state that in the interview if they ever ask you then.

* Then you can also ask about the client nila, ang prospect employer mo. Then take note of their answers. Kung hindi malinaw ang mga kasagutan sa tanong mo, pagpunta mo doon mag-ingat ka na o kaya pwede mo ng huwag puntahan. Mga sagot na "Hindi pa po namim alam, eh, basta punta ka na lang dito." Dapat kasi they have ready answer for their prospect client, too. At ikaw ‘yon. Take note, dalawa ang client ng agency dito, ikaw at ang prospect employer mo. Pag hindi maayos ang sagot, tabla na yan. Dapat marunong din kayong manabla ng agency. Sayang lang oras mo dyan.

* Dapat, may preliminary screening na kayo sa agency and it’s representative that you talked over the phone. Kung hindi sila maayos makipag-usap sa iyo, what is the guarantee that they could talk better with the other clients? What are the chances that they could get a better deal for you if they don’t know how to communicate? Okay, they employ not so good employees. Again, what are the chances that they could get a good deal for you? Dapat professional ang tirada ng employees nila so, you have to be very observant when your dealing with this agency and it’s representative. If you can converse in English much better, specially if you could impress them. Pero kung ang English nyo ay kagaya ni Jimmy Santos, managalog na lang kayo. Dito pwede na kayo manabla ulit. Mind you guys, I’ve deal with a lot of these representative over the phone and I could tell by their answers if they’re good enough to get a good deal for me. Modesty aside, hindi ako pumapatol sa baryang-baryang deal. IPAMS and EDI representative that you talked over the phone are very confident and smart of their answers. They have to prepare themselves for that otherwise they could not get a good employee for their client and it counts on their name and reputation.

Ngayon naman, sa walang e-mail kailangan mo ng bang puntahan? Hindi pa! Tawag ka muna at mag inquire. Kung ang sagot ay kagaya din sa taas, tabla na ‘yan.

Ang nagtetext, tabla na ‘yan. Una it’s very informal on the part of the agency na magtext kasi walang traceability. Nagtitipid sila? Hindi siguro? Huwag nyong tawagan pag nagtext. It’s a power game. Pag una kang tumawag ibig sabihin mas intresado ka kaysa sa kanila. Dapat sila ang unang magkaroon ng interest sa iyo ng isubmit mo ang resume mo. That means gumagat sila at hindi ikaw. Pag ikaw ang unang kumagat dyan, most likely talo ka.

REQUIREMENTS NEEDED:
2 sets of resume
2 sets of photocopy of your credentials
Several envelops, short and long
Several folders short and long, brown and white
Several copies pictures 1x1 and 2 x 2
Original copy of your documents
Ballpen and pentel pen or marker.
Diskette mo or USB

* Observe the surroundings ng agency kung kanais-nais ba ito? Ano ba ang istura ng building nila? Are they renting it or they own it? Kung ang isa malaking bldg. occupied nila, this will tell you na may puhunan sila. Pero kung isang kwarto lang, delapilated ang building, di kaya sa grahe lang ang office, mukhang kayo ang puhunan o sa inyo pa kunin ang puhunan. So, dito pa lang, pwede na kayo manabla. Huwag na kayo tunuloy at baka mapaano pa kayo.  How does their employees dress up? How about the office? How do they treat the applicant’s? Do their employees recognized you and remember their appointment schedule with you? Are they keeping you comfortable and at ease? May pakape ba at biscuit? Look for the person whom you made an appointment with. Submit to her your resume and documents. Take note ang dapat umaattend sa iyo iyong naka-appointment mo or she could refer you to her colleague. Legitimate recruiter, check original copies and collect only the photocopies. Ibinabalik po sa aplikante ang original documents. Again, photocopies lang po ang kino-collect at hindi ang original documents. Don’t ever ever give them your original documents and your passport. Alam nyo bakit? Dahil gagawin lang kayong hostage. Pag binigay nyo ang original copies ng documents nyo they have control over you. Ito yung tactics nila para ma-hold nila ang applicants. Hino-hostage nila ang applikante by keeping their documents. Lahat ng rason ay gagawin nila para makuha ang original documents mo at ito ang dapat nyong babantayan. Pag pinakawalan mo ito, yari ka. Ngayon hindi ka na makapag-apply sa iba kundi focus ka na lang sa kanila. Pag ganito ang sistema nila, tabla na yan. Huwag ka ng tumuloy. Ano napapala ng iba dyan na nagpatuloy? Hayun, barya-barya lang ang sa kanila o kaya hangang ngayon hindi pa nakakaalis.

* On the preliminary interview, be calm. Take note of interviewers questions. Observe if they have the expertise to ask relevant questions? Kung may sense ba o halos walang sense. Dito mo rin mahalata kung alam ba nila ang hinahanap nila o moro-moro lang ang interview. Observe the gesture of the interviewer if he looks you straight eye to eye. Ang nagsisinugaling sa tanong hindi makatingin ng deretso. Isa pa the interviewer has to look you into the eyes para malaman nya kung nagsisinungaling ka rin sa sagot mo. Ito ang tactics ng seasoned at legitimate recruiters. They have to find out the truth from you ask questions when its your turn to ask. Kung hindi ka pinagbigyan or they are trying to elude you, tabla na yan. Ask question of your prospect employer, salary rates, benefits and entitlements, your job, place of assignment, processing, system of deployment and fees. Dapat, all available information you need to know. So you could make a good decision will be provided to you by your recruiter. A good employer open their records to personnel they recruit to encourage them to join their company and this is also the instructions they give to the recruiter. So, there’s no reason for your agency to deny you this information. Kung tapos na ang interview, end it with a handshake. Whether gusto mo o hindi, give thanks to the interviewer for spending his time with you. It’s a polite and professional gesture kahit gaano man kababa ang position na inaapplyan mo and vice versa. Oh anong sabi, tangap ka na? May job offer ka na. Magpapamedical ka na. Pag ito ang sinabi sa iyo ng interviewer, uwian na. Refer ka sa taas about process. Ask those who were also interviewed. Share notes and information with them. After all, kung matuloy man kayo, kayo rin ang magsasama sa trabaho nyan. So, habang maaga better make a bond with them. Ingat lang, baka ang kasabwat ang mapili nyo. Kung sufficient na ang information mo pwede ka ng umuwi.  The more agencies you applied the better your chances of getting hire and get a better deal. Kaya nga huwag na huwag nyo ibigay ang original documents nyo para makapagpatuloy kayo sa pag-aapply sa iba pang agency. So tapos ka na. Hindi pa. May assignment ka pa. Habang hinihintay mo ang final interview or employer selection, do research on your prospect employer. Find out all information about them. Magtatanong tanong ka na. Oh di kaya i-post mo ang POEA Message Board, baka may mag reply or those who have 100% chance of getting any of the two, my advise is assess your priorities. Ano ba talaga ang gusto nyo? Weigh the pros and cons at piliin nyo kung saan kayo liligaya. Kung liligaya ka sa kanya, di doon ka. Kung sa iba, di doon ka sa iba. Take into consideration the weather, society, environment and advancement of your career. Sa issue ito, kayo lang ang pwede magdecision. Ihanda nyo ang sarili nyo at mga documents nyo. Bring some photocopies and your original documents. This time may iba pa kayong dapat ipaghanda. Ihanda nyo ang sarili sa examination, baka lang magbigay sila ng examination. Take note na maaring maging matindi ang labanan dahil ito ay final selection at ang applicants na short listed na. Ibig sabihin nasala na ang mga ito. Review some of your notes noong nag-aaral kayo at ang mga isinulat mo doon sa resume mo. Be sure na kaya mo ang mga isinulat mo doon kasi most of the question will dwell doon sa Resume kung matangap ka na o kaya ang sabi sa iyo ay "We’ll keep your resume on file!" At least may magandang kang dahilan para uminom. Bago pa magsimula ang interview (some cases) ang employer representative, nagsasalita muna sa mga applicante. This is to calm and ease the applicant and provide them information about themselves and the company. Then, open forum na and you can ask question about the company, its operation and business standing. Dito lalabas ang pinapagawa ko sa inyo na questions. Don’t ask about salary at this point because it’s unethical. It’s not being discussed in public but, you can now hypothesize on how much can they afford. Pag ganito ang tirada ng representative magandang company ito. Ito ang deskarte ng mga multinationals (with European or American affiliates) to keep every transaction transparent even in recruitment. If they offer you something to eat, huwag kayong mahiya. Take some but not all. If this is conducted in the hotel, they would even tell you take an order. Don’t worry, charge sa kanila yan. Pero orderin mo lang ang drinks or snacks and not tanghalian mo. Pagkatapos nito magsisimula na ang interview to every applicant. Kung marami sila, then it’s a panel interview. Sila, ibig sabihin sobra sa isa ang magtatanong sa iyo. So, you have to watch out pag panel interview because questions might or will be coming left and right, as in uulan ng tanong. Wait for your turn to be called saka ka pumasok sa interviewer room. Ang iba naman, hindi na ito ginagawa, so they just proceed with the interview, one by one as your name is being called. Kaya ang mga tanong mo tungkol sa company doon mo na lang itanong pagkatapos nila magtanong sa iyo. So, you have to watch out kung anong lahi ang mag-ininterview sa iyo. Pag caucasian o puti, ayos yan pero listo ka sa English. Kasi minsan kinakain nila ang kanilang salita dahil sa bilis. Pag Arabo medyo listo ka sa pagsasalita nila at sa paningin. Medyo malakas ang boses at malalim tumingin. Normal lang ito sa kanila at hindi sila galit. Pag itik o Indian, ilisto mo ang ilong mo at pag Pinoy, humanhanda ka na at madugo ang haharapin mo! If aware ka sa listing ng i-interviewhin, alamin mo kung sa bottom list ka o sa top list. Dito mo malalaman ang standing mo against sa kasabayan mo of the same position. Pag sa top ka ibig sabihin mas mataas ang ranking mo compared sa iba at pag sa bottom ka, alam mo ang lagay mo. While this might not be true to all, at least 80%, lalo sa organized company’s my priority listing na itong tinatawag. Pagtinawag ka na at saka ka palang papasok. Minsan ang magsasabi sa iyo na papasok ka na ay ang nauna sa iyo sa interview. Knock at the door para mainform sila na nandyan ka na at hinitayin mong papasukin ka. Kung hindi nagresponse pwede mong tanungin kung pwede ka nag pumasok. Be polite at behave ka muna. Dapat maaliwalas ang pasok mo and show enthusiasm sa interview. Dapat kabisado mo ang resume dahil most of the question will be coming there. Start the interview with a hand shake and relax while you seated. Listen carefully sa mga tanong at pagtapos na saka pa lang sumagot. Paghindi mo na intindihan pwede mong sabihin na paki ulit ng tanong. You should have the control of the interview kahit sila pa ang nagcocontrol ng tanong. Pag umuulan ng tanong, kung kaya mong sagutin ng sabay sabay, sagutin mo at kung hindi tandaan mo kung kaninong tanong ang hindi mo nasagot at balikan mo sya para ipaulit ang tanong. Interview is a communication and communication is a two way process. Dapat salitan at hindi one way lang. Ang iba sinasadya na ganito ang interview so they could see your responses sa pressured condition. Keep yourself calm kahit umuulan ng tanong. Ang point dito you should have the control and maintain your composture. Dito rin nila ma-assess kung paano ka humawak or behave during trouble circumstances lalo na pagsupervisory ang position mo. Pwede rin kung sabay sabay mong sasagutin, para maipakita mo kung gaano ka kabilis magprocess ng information. Kahit marami yan, maipakita mo na kaya mo. Ito minsan ang hinahanap nilang klase ng mga tao. Keep your answer as concise as possible, pero hindi naman kagaya sa korte na sagot. Para hindi magkalituan, pwedeng mong sabihin ang tanong kasunod ng sagot para hindi sila malito kung anong tanong ang sinagot mo. Take note kailangan mong magpa-impress. Pagtapos na sila magtanong sila naman ang mag o-open na pwede ka ng magtanong. Paghindi nila in-open pwede ikaw ang mag-open. Pag wala ka ng itatanong dito na nagtatapos ang interview. During the interview, observed also the response and behavior ng mga kaharap mo. Dito mo ma-assess kung anong klaseng mga tao ang makasama mo sa trabaho dahil sila ang nagsasalamin sa kumpanyang pupuntahan mo. Base sa assessment mo, pwede ka ng tumuloy o magdecision na tumigil na. Kung gusto ka nila right then and there, mag-offer na sila sa iyo. Dito pwede kang makipag-bargain kung sa tingin mo pwede pang dagdagan ang bigay sa iyo. Nasa sa iyo kung tatangapin mo o hindi ang offer. Take note, ang offer sa iyo contrata na mismo at sya na mismo ang pipirmahan mo. Kaya kalokuhan yung sasabihin sa inyo ng ibang agency na wala pang kontrata at job offer pa lang ang ibibigay sa iyo. Pag pinirmahan mo o sang ayon ka doon sa kontrata, sasaluin ka na ng agency consultant mong nakangiti, dahil magkakapera na sila dahil sa iyo. Kaya wala silang karapatan na laitin kayo o kaya tratuhin kayo na parang basahan dahil kung wala kayo wala silang pera. Don’t forget to end your interview with a handshake. Tangap ka man o hindi, makamayan kayo. Sa puntung ito, ang agency consultant na ang kakausap sa iyo at magbibigay ng instructions kung ano pa ang kulang mong documento. Ang photocopy ng contract ay ibibigay din sa iyo para mapag aralan mo. Kasama rin dito is the copy of Memo Of Understanding or Agreement which is a pre-employment procedure or clause ng contract kagaya ng validity of the contract, date of departure. Pagdating mo doon sa interview place, you behave accordingly. Kasi they observed how you behave. Part of the evaluation is your personal behavior and responses. May grade ‘yan and it is being tabulated. The manner you ask and answer questions, your movements and actuations.Take note na kung makuha ka, you will be a part of the company and obviously they don’t like to hire personnel who don’t know how to behave civily. Pag puti ang sagot mo dyan ay direct to the point. Ayaw noon ng paligoy-ligoy. Pag nakuha mo na ang key word ayos ka na nyan. Pag itik, katakutakut na palinawagan yan. Pag Saudi huwag kang gumamit ng malalim na English, kasi baka hindi ka maintindihan. Unless na sa tingin mo magaling din syang umenglish saka ka bumanat. Pag Egyptians o Lebanese ang nagtatanong careful ka sa sagot mo. Mga classified data ang tinatanong ng mga yon. Pasusukahin ka ng confidential informations lalo na sa formulation at processes. Company top secret ang banat nila. This is one thing you have to watch out. Pwede mong sagutin but don’t give it all or you elude the answer to the question. Huwag kang sipsip, hindi mo pa alam kung tangap ka at this point and there is no guarantee na matatangap in case e-reveal mo ang mga classified information ng previos employer mo. Pag pinoy, mag ingat ka lalo at malupit magtanong ang mga ‘yan. Ang mga sagot dyan medyo may kalaliman and pointing out on the theory, concepts and principles. Karamihan tanong nila ay situational at practical. Kaya huwag kang kamprante pag pinoy ang interviewer mo.

* Pag ganyan ang na receive mo na reply try to find more, lalo na kung dito ka sa US/Canada nag aapply at malamang agency yan o consulting company. They will match you Resume from their client requirements. Ang kadalasan na ginagawa nila for matching ay apple to apple kaya kailangan yong nakalagay sa resume mo ay eqKapag nag reply naman na ang sinasabi ay nasa shortlisted ka, then at least mas malaki ang chance mo na ma-interview. Sa interview ang una lagi ay non-technical, they will ask more on personal information, previous and current job para lang malaman nila na tama yong nakasulat sa resume mo, next is either the technical or Manager or Both. Dyan ka ngayon mapapasubo ng interview, kadalasan pag interesado sila sa iyo it takes more than 30 minutes. Try to relax while talking through the phone, talk slowly and audibly. Next it's either face to face or they will process you documents. 


* In recruitment, there are two types. One is mass hiring and the other is section or departamental hiring. Sa mass hiring, ang kinukuha maraming position at ang selected company representative ang mamimili sa lahat ng applikante, usually ang pinakamataas sa company ang mag-interview. Malalaman mo ito kung marami kayong applikante na iba-iba ang position. Ang interview nito ay batch by batch. That means na pagtapos na ang position na ito, ibang position naman ang tatawagin at hindi ito first come first in basis. Random ang interview nito at maari mapatapat ka sa hindi maalam ng position mo. Dito pwede mong i-calibrate ang hihingin mong sahod sa ibang position, kaya dapat bantayan mo ‘yong mga nauna na sa iyo at itanong mo ang sahod nila. Pagmass hiring medyo may kaguluhan yan ng kunti. Kasi kung minsan ang interviewer pina-prioritize nya ang kanyang tao, at sa ibang department medyo nai-ignore. Kaya poise ka lang. Pababain mo muna ang adrenaline level mo. Pag departamental or section medyo may kahirapan ng kunti, lalo na sa mga tanong. Specific ang mga tanong dito at directly related sa trabaho mo mismo. Mostly sa ganitong klase, ang amo mo mismo ang mag einterview sa iyo. Kaya kailangan listo ka lalo. Pag ganitong klase, mga big time companies ito. Imagine they can affort to send section representative. While you are interviewed you also have to observed the interviewer. Maintain eye contact with your interviewer at pag marami sila you can sway your head to look at the others. Hindi lang sa nagtatanong ka nakatingin. Ibig sabihin, dapat parang may audience ka palagi pag nagsasagot at hindi lang isa unless kung iisa lang ang interviewer mo. Iyong makabagbag damdamin nyong issue huwag nyong ibulalas sa interview just to get the job. Kung hindi kayo magkasundo, huwag mo ng ipilit. Dahil kung kursunada ka nila, baka pagdating mo sa bahay may tawag ka ulit for another negotiation. Pero pag gusto ka nila, right then and there sasabihin na sa iyo kung magkano ang bigay nila. Pag nagkasundo kayo, ibibigay na sa iyo ang contract para pirmahan mo. Pag hindi ito nangyari ibig sabihin nasa waiting list ka. Depende sa out come ng totality ng interview, pagwala na silang makuha, saka ka pa lang bigyan ng contract. Pag ganito, medyo nasa bottom list ka at medyo may kababaan na ang presyo. Kung baga sa paninda, balik puhunan ka na lang. Nasa sa iyo kung tatangapin mo o hindi ang offer, lalo na kung marami kayong nasa waiting list. Ganito rin ang scenario sa unang aplikante na sinasabihan na hintay ka lang muna. Ang ginagawa ng mga ito, ni rarank ang hinihingi ng mga aplikante at kung sino ang mababa, siya ‘yong tatangapin. Kung baga, the job goes to the lowest bidder. You can now imagine kung anong klase employer ang kaharap mo! Basta walang ibinibigay na kontrata after the interview mga bato ang mga iyan. Daig pa ang mga Ilokano, lalong lalo na pag may itik na kasama sa interviewer. Pero kung maayos na employer kahit hindi mo na meet ang requirements mag ooffer sa iyo right away. Hindi ka na pahintayin. Kagaya doon sa kasama ko. Sabi sa kanya "You almost made it to the requirements but we will give you a try." So, the contract was offered right then and there. Paano kunti ang umaapply at maraming ang basak. 2nd day na interview pangalawa pa lang sya sa natangap at 90% ng umaappply basak na. Pero ngayon siya ang inaasahan dito sa department namin. Sa hindi na qualify, sinabihan na lang sila na "Thank you for coming to the interview, and will keep your resume on file just in case we need you, we’ll just contact you." This is their polite way of saying you’re not hired. Obserbahan nyo rin ang lumalabas sa interview room kung ano ang kanilang reaction after the interview. Nakangiti, nakasinagut o nagdadabug. Dito mo malaman kung maganda ang kinahinatnan ng interview. Kung nahuli ka ng dating, itanong mo rin sa mga nauna kung ano ang mga kaganapan habang wala ka.


* Ang assignment mo ay basahin mo ulit ang contract mo. Huwag kang masyadong kamprante. Gaano mo ba na digest ang nabasa mo kanina sa interview? Sigurado ka ba? Kaya pinapauwi sa iyo yan o binibigay after the signing ay para mapag-aralan mo at hindi mo ilagay sa isang tabi lamang! Basahin mo ulit at kung may hindi ka naintindihan, pwede mong itanong sa recruiter mo para malinawagan ka. Oh kaya sa ibang tao na may alam pagdating sa kontrata or you can contact your employer for clarification. Habang maaga, kung hindi mo kursunada , pwede ka pa mag-back out. Hindi yung nanduon ka na sa labas ng bansa saka mo sasabihin, hindi mo naintindihan ang nakalagay sa kontrata mo. Take note na may date of signing ang kontrata mo. Huwag mong i-dahilan that you were not given ample time to review your contract, unless kung pagkatapos mo pumirma hindi ka binigyan ng kopya. Agency representative will give you direction kung ano pa ang kulang mong documents. While you under go medical examinations, you also process your other documents. Dito pa lang magsisimula ang medical after ka natangap at nakapirma ng kontrata. Again, dito pa lang sa stage na ito dapat ang medical at hindi sa unahan ng proseso sa pag-aapply ng trabaho. May gagawin ka pa ba habang hinihintay mo ang medical results mo? Nasa sa iyo kung kuntento ka na doon sa nakuha mo? Pero pwede ka pa mag-apply at pumirma ng kuntrata sa iba habang hindi ka pa nakakarating sa processing stage. Kung may pending interview ka pa, attend ka muna so you can compare you contract with the others. Pwede kang mag-apply pero huwag kang pumirma ng contract. Earlier, trabaho lang ang kinu-compare mo. This time contract na. Medyo tumataas na ang antas ng comparison mo. At this point you can make a better decision. Make the most of your time before the processing stage comes in. 

* Pag okay na ang medical mo, ina-advise ka na ulit ng agency mo na mag-report for visa processing. Dito may susulatan kang form para i-submit sa embassy ng bansang pupuntahan mo, kasama ang passport mo at iba pang documents like authenticated diploma and/or transcript of records. Dito again, mag-babayad ka ng processing fee. Again and again and again. Dito ulit sa stage na ito pa lang magsisimula ang visa processing at OEC registration sa POEA. At dito rin sa stage na ito ang bayaran ng processing fee. Keep your receipt for reimbursement sa employer mo. Kung hindi reimbursable just keep it for souvenir. This is the point of no return. Wala ng atrasan ito. Take note naka-register ka na sa POEA. Pag na-cancel yan without valid cause, markado ka na sa POEA lalo na pag may nagreklamo na agency. Wait ka lang until ma-release ang visa mo and the agency will advise you na release na. Pag na-release na pwede ka ng mag-file ng resignation letter mo sa current employer mo. Count 30 days until your flight schedule. Then wait for your flight schedule and ticket. At least a day before your flight, dapat naka pag-PDOS na kayo. This is necessary and a requirement by the POEA. Para alam nyo ang pupuntahan nyong bansa. Then, final briefing.

* Magkano ba talaga ang dapat kung hihingin na sahod? Well, depende yan sa maraming bagay. Isa na rito ay ang qualification mo at sa haba ng karanasan. Sa laki, liit o financial capabilities ng kumpanyang iyong ina-applyan, sa dami ng mga aplikante sa magkaparehas na position, sa umiiral na batas ng bansang iyong pupuntahan at sa cost of living. Kasama na rin dito ang demand sa naturang position at sa umiiral na supply sa kasalukuyan. Magkano ba ang sinasahod mo sa ngayon? Tapos gawin mong tatlong bahagi at yon ang hihingin mo. Bakit tatlong bahagi? Isa para sa iyo, isa sa pamilya mo at isa para sa kinabukasan mo. Ang para sa iyo ay gastusin mo sa pang-araw-araw, kahit na may allowances ka pa, minsan ito ay hindi sapat. Kadalasan food at transport allowance lang ang ibinibigay. Sa iba pinagkakasya ang maliit na allowance. Pero naman, you are entitled to some luxury and comfort. Kailangan mo rin gumastos pa sa ibang bagay, kagaya ng sabon, shampoo, damit, fiber softener, pabango at kung ano-ano pang burloloy sa katawan. Ang sa pamilya mo, isang bahagi sa kanila lang ‘yon na gastusin at ang isa pang bahagi ay ilaan mo para sa kinabukasan mo. Alalahanin mo, hindi ka pangmatagalan doon sa lugar nila. Sa mga lugar na mataas ang cost of living kagaya ng Qatar, Abu Dhabi, Singapore at Dubai, dagdagan nyo pa ng isa pang bahagi. Pag hindi sila umabot dito, walang mangyayari sa buhay mo sa abroad. Hindi ba na kaya ka nag-abroad para guminhawa ang buhay mo? Mawawalan ng saysay ito kung panawid gutom lang din ang ibabayad sa iyo.

* Paano ba mamili ng recruitment agency?
Ang una kung mungkahi ay madali. Maghahanap ng trabaho na angkop sa kakayahan at kagalingan at ikalat ang resume sa mga agency. Kung tumutugma ang inyo qualifications hindi nyo na kailangan maghanap. Kayo mismo ang hahanapin ng mga agency at ang susunod Ano-ano ba ang basihan natin para masabi natin na maayos ang recruitment agency. Unang una dapat sila ay lisensyado ng POEA. Bilang lisensyado kailangan sila ay registered at ito ay pinapatunayan ng kanilang POEA Registration No. or License No. Ang lisensyadong agency nama’y nakalista sa POEA at ito pwede mong na check sa kanilang website ang pangilatis sa mga ito. Ang mahal naman. Ito kadalasan ang bukang bibig ng mga aplikante na uma-apply ng trabaho sa lugar na kagaya ng Taiwan, Israel, Canada, Japan, USA and Europe.  Sa anong dahilan? Mataas ang pasahod sa lugar na ito sa unskilled and semi-skilled category aside that the host country is not hostile as in Middle East. Dahil sa taas ng demand so there tumataas din ang prices. Ito naman ay sinasamantala ng mga recruiting agency by applying the law of supply and demand. The employer shoulder all the cost of repatration of the OFW. All other expenses incurred by the employee during the recruitment are reimbursable to the employer once the employee arrives at the work destination. Kaya ito ay libre kasi mas matindi ang pangangailangan nila sa iyo kaysa sa ikaw ang nangangailangan sa kanila. Bakit ka nga naman magbabayad, sila yung may kailangan sa iyo. Kadalasan itong mga employer ay malalaking company at malaki magpasahod. Dahil sa laki ng sahod, ang agency ang nanunuyo sa mga aplikante na mag-apply sa kanila at kung sila ay matangap, malaki rin ang kikitain nila. Mababa na rito ang P60,000 per person ang kita nila. Kaya ganoon na lang sila ka interesado sa mga applikante pag ikaw ay qualified. Hindi sila pwedeng magsuplado or they should be applicant friendly dahil oras na maasar kayo, goodbye ang datung nila. 


* Ang mga proseso kagaya ng employer interview and qualifiying, contract signing, medical examination, visa processing, POEA registration at ticketing. Ang binayaran ko lang ay ang medical ko at processing fee in which ine-reinburse ko sa company namin. Pero ayon sa policy ng POEA, the placement fee is equivalent to one month salary ang processing fee is around P7,000 at medical P3,000 which varies from clinic to clinic.

* Ang employment agency is task to recruit workers for deployment abroad in accordance with the rules set by POEA. Ang consultancy office advises their client on the legal ways to migrate to another country. Sila ang nakaaalam ng pasikot-sikot sa immigration laws doon sa bansa na pupuntahan mo, either business or working immigrant. Pag-worker ka using this process hindi ka daan sa POEA. Doon mo sila binabayaran sa services nila. Kaya sila mahal dahil sagot mo ang pamasahe mo doon at bahala ka na sa buhay mo pagdoon ka na. Wala na silang pakialam sa iyo.

* Ang gratuity pay ay binibigay pag ikaw ay umalis na sa company mo. Ito ay katumbas ng 1/2 month pay as stated in the contract mo , depende sa length of service mo as in some company pag 5 yrs. or more 1 month pay na ang gratuity pay. Ito ay minumultiply sa no. of years of service mo sa company. Suma-total kung ikaw ay nagtrabaho na sa company mo for 4 yrs, at ikaw ay umalis, babayaran ka ng company mo ng 2 months equivalent pay mo as gratuity pay.

* Isa pa napansin ko sa mga job offers sa singapore and malaysia parang doble ang placement fee. kasi may bayad k n sa agency dito tapos may "brokers fee" pa sa agency dun sa bansang pupuntahan mo. tapos may mga taxes pa or deductions na ikakaltas. yun lang ang kasarapan sa saudi o UAE. yung sahod mo neto lahat sau. What you earn is what you received. No taxes, no rent, no fare, no bills. Most is provided ng company housing, transport, medical, vacation expenses, recreation. We travel 200 km to and pro with out paying a single cent for our fare. Company provides transport when we do shopping aside from going to work. Goods are cheaper dahil wala rin taxes. A cellphone cost half of that in the Philippines.

* Hindi naman siguro ipapangalandakan noong agency na ready na yung visa para sa mga taong kinukuha nila kung hindi naman tutoo kaya tingin ko ay OK lang yung mga ganoong ads. Ang iiwasan na lang ninyo ay yung mga nagre-recruit at tapos may nakalagay na "For Manpower Pooling Only." Kapag ganoon kasi, sumusuntok pa sila sa buwan. Hindi pa nila hawak yung kliyente kahit pa sabihing may visa na. Nakikipaglaban pa sila sa ibang agency kung kanino mapupunta yung visa/job order.


NOTE: This is based on actual experience shared by OFW's in the POEA Forums. My intention here is to protect YOU from illegal recruiter and employer. Through this BLOG I be able to help and guide you towards achieving your goal which is to work abroad without any trouble or mishap.



 
Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Ayala Malls Online Community

New opportunities new beginnings




Search Engine Optimization and SEO Tools

Search Engine Optimization SEO

Search Engine Submission - AddMe
Free Viral Advertising!



Annonces Immobilières
Louhans
Saône-et-Loire
Zilek : Immobilier Louhans