• Sa first day ng NBA All-Star Selection, ang mga PBA Selection ang kanilang nakalaban. Nakakatakot nga kasi parang overloaded ang naturang lugar. Ang capacity lang naman ng Araneta Coliseum is only 20,000. Mukhang inabot ito ng 25,000 manonood compare noong 2nd day na hindi masyadong siksikan ang mga fans sa labas ng Araneta. Kung babanggitin pa namin ang mga artista at politician na nanood ng game ay siguradong hindi magkakasya sa column ang mga pangalan nila.
Lahat naman ay fanatic ng NBA players, specially ni Kobe Bryant, Chris Paul at si Derrick Rose na naging MVP sa katatapos na NBA tournament sa Estados Unidos. Pero sa totoo lang, nakakainis sa nangyaring Ultimate Weekend na ang organizer ay walang iba kundi ang tropa ni Mr. Manny Pangilinan, kung saan ang kinita ng special event ay itutulong diumano sa mga sports tulad ng Boxing, Tennis, Badminton, etc. Maganda ang hangarin ni MVP, kasi love niya ang sports.
Ang na kakainis lang, kaya sinabing sports event pawang ang mga nagko-coverage ng sports ang siyang dadalo lalo sa ginawang presscon. Wala kaming masabi, kasi piling-piling tao lang ang nakadalo sa presscon nila. Karamihan nga ay ang entertainment reporters, bilang lang ang mga sports writers at masyado pa silang mahigpit. Pati sa mga NBA players na sobrang seguridad ang ginawa, animo kikidnapin ang mga mama. Oo, maraming taga suporta ang NBA players, sabik ang mga manonood na makipag-piktyuran sa kanila ang mga fans na dapat sana ay binigyan nila ng pagkakataon na nagkaroon ng picture-taking. Kaso ang nangyari ay na-satisfy na lang ang mga followers ng NBA players na tanawin sila habang naglalaro. Kapag nakakagawa ng acrobatic shot at dunk, animo magigiba ang coliseum sa tuwa’t galak ng manonood. Dati kasi, sa TV lang nila napapanood ito, hindi makapaniwala na nasa harap na ang mga NBA superstars.
Nakakadismaya lang dito, sinamantala ng kung sinumang may hawak ng tickets. Grabe, over ha? Marami ang nagsasabi na halos lahat ng tickets ay nasa mga scalpers. Bakit hindi, ang ibinebenta lang sa Ticketnet office ay pawang Upper Box B, General Admission, gayundin sa Araneta Coliseum. Nasaan ‘yung magagandang upuan. Magtanong ka sa scalper kung maglaro ang Patron which is original price is only P5,520, na sa kanila ay P12k to P30k, sa Upper Box A naman na ang original price ay P1,500, sa scalper ay P10k, at ang Upper Box B na P800, P7k sa mga hinayupak na nagsamantala ng kapwa.
SOURCE: Malou Aquino | Pinoy Parazzi (July 27, 2011)