Shalani Soledad leads Google Philippines' 20 Most Influential Filipina Women of 2010; Kris Aquino comes in second.
Si Shalani Soledad ang pinaka-"influential na Filipina" nitong nakaraang taon.
Ito ay ayon sa Google Philippines na naglabas ng listahan ng "20 Most Influential Filipino Women of 2010."
Ang Google ay ang pinakagamit na Internet search engine sa buong mundo (kabilang na ang Yahoo! at Bing). Mayroon itong higit pa sa isang bilyong servers sa mga data centers sa buong mundo, kabilang na sa Pilipinas.
Nito ngang Martes, March 8, sa pag-oobserba na rin ng International Women's Day, inilabas ng Philippine office ng Google ang listahan nila ng mga "influential Filipino women" na may "greatest online mindshare in 2010."
Ayon sa dictionary.reference.com, ang mindshare ay "the level of awareness in the minds of consumers that a particular product commands" o "the amount of attention required by something, the time spent thinking about something."
Sinusukat naman ng Google ang "influence" ng isang personalidad base sa dami ng search queries na nakukuha ng search tool nito na Zeitgeist.
Iniipon ng Zeitgeist ("spirit of the times" sa wikang German) ang lahat ng search queries na nakukuha nito araw-araw sa loob ng isang taon. Mula roon ay nasusukat kung sinong personalidad ang may pinakamalaking "awareness" o mindshare, na siyang sukatan din ng "influence" ng personalidad sa lahat ng users ng Google.
Si Shalani nga ang nasa number one spot ng listahan ng Google Philippines most influential Filipinas.
Nakilala si Shalani noong nakaraang taon nang sumuporta ito sa boyfriend niya noon na si Benigno "Noynoy" Aquino III. Matapos na maging presidente ng Pilipinas si Noynoy, patuloy na naging sentro ng atensyon si Shalani hanggang sa mapaulat ang pakikipaghiwalay niya sa binatang presidente.
Sa ngayon, patuloy ang atensiyon na nakukuha ni Shalani dahil sa pagiging co-host niya sa TV5 show ni Willie Revillame na Willing Willie at pagkaka-link nito sa kontrobersiyal na TV host.
Kasunod naman ni Shalani sa listahan ang kapatid ng ex-boyfriend niya na si Kris Aquino.
Naging maingay ang pangalan ni Kris noong nakaraang taon dahil sa kontrobersyang nilikha ng pakikipaghiwalay niya sa baskeball player na si James Yap.
Pangatlo sa listahan si Ruffa Gutierrez na pinag-usapan noong nakaraang taon, ang patuloy na pagkakaugnay niya kay John Lloyd Cruz.
Pang-apat si Venus Raj dahil sa popularidad ng kanyang "major major" na sagot sa Miss Universe Pageant at pagiging 4th runner-up niya rito noong nakaraang taon.
Pang-lima naman ang YouTube at international singing sensation na si Charice, dahil sa ingay na nilikha ng kanyang US TV show guestings partikular na ang paglabas niya sa musical comedy na Glee.
Heto ang kumpletong listahan ng 20 Most Influential Filipino Women ng Google Philippines:
1. Shalani Soledad (politician / TV host)
2. Kris Aquino (TV host / actress)
3. Ruffa Gutierrez (TV host / actress)
4. Maria Venus Raj (beauty queen / TV host)
5. Charice (international singer)
6. Angel Locsin (actress)
7. Sarah Geronimo (singer / actress)
8. Regine Velasquez (singer / actress)
9. Heart Evangelista (actress)
10. Miriam Defensor Santiago (senator)
11. Lea Salonga (international singer)
12. Doris Dumlao (business writer)
13. Kristine Hermosa (actress)
14. Toni Gonzaga (TV host / actress)
15. Sharon Cuneta (actress / singer)
16. Mariel Rodriguez (TV host)
17. Monique Lhuillier (international fashion designer)
18. Bea Alonzo (actress)
19. Korina Sanchez (broadcaster)
20. Nora Aunor (actress)
SOURCE: Rommel Llanes | PEP.ph (March 11, 2011)