• ‘My Valentine Girls’ Hits P135M in Just 3 Days? Is a Fiction.
According to a report by Ric Camaligan of the National Cinema Association of the Philippines via PEP’s Scoopbox, “My Valentine Girls” registered an ALL-TIME BIGGEST 3 DAY GROSS for a local or even a Hollywood film shown in the country. The Richard Gutierrez-starrer reportedly raked in an estimate of P135million in just 3 days!
Ayon sa isang comment mula sa reader ng Starmometer na yung address daw nitong Mr. Camaligan ay nasa Imperial Palace na ang owner ay si Mother Lily. Eto pa last February 9, 2011 sa STIR.ph they said na kumita lamang ang movie ito ng P3 million on its first day.
DATE: February 13, 2011 (Sunday)
DATE: December 14, 2010 (Tuesday)
DATE: November 20, 2010 (Saturday)
DATE: October 31, 2010 (Sunday)
DATE: October 27, 2010 (Wednesday)
DATE: October 27, 2010 (Wednesday)
Ayon sa isang comment mula sa reader ng Starmometer na yung address daw nitong Mr. Camaligan ay nasa Imperial Palace na ang owner ay si Mother Lily. Eto pa last February 9, 2011 sa STIR.ph they said na kumita lamang ang movie ito ng P3 million on its first day.
DATE: February 13, 2011 (Sunday)
• BAKIT MADALANG NA ANG NAGLALAGAY NG CHRISTMAS LIGHTS AT PAROL.
Ilang
linggo ko na ito napapansin pero ayaw ko lang isulat sa aking site ang
aking observation. Pero 2 weeks na lang Pasko na pero sa aking pag-iikot
tila madalang na ang nagsasabit ng parol pati ang christmas lights. Di
kaya nawala na ang spirit ng christmas sa bawat pilipino or nagtitipid
lang sa kuryente. DATE: December 14, 2010 (Tuesday)
• ANG BUHAY NG ISANG SHOWBIZ REPORTER.
Sa
ilang araw ko nasa mundo ng showbiz. Nagkaroon ako ng chance makausap
ang ilang reporter. Nalaman ko na di ganun kalakihan ang kanilang
kinikita unless kung madiskarte ka. Sa halagang P250 per article sa
dyaryo ang kikitain ng isang reporter. Pero dapat na publish na ito bago
ka bayaran. Kaya mas maganda kung madami kang dyaryong sinusulatan para
malaki ang kita. Tseke ang binabayad hindi cash at ito ay binibigay at
the end of the month pa. Lagi nilang panalangin na makasama sa mga
presscon kasi malaki ang bigayan dun, P1,500 ang pinakamababa at P3,000
ang kataasan. Yung ibang malakas kumita ay hindi naka-confine lang sa
isang network kundi sa lahat. Si Boy Abunda kapag may bagong endorsement
tinatawag ang mga reporter at nagbibigay ng P500 to P1,000. Yung title
ng article ay editor ang naglalagay. DATE: November 20, 2010 (Saturday)
• BAKIT POPULAR ANG TWITTER SA MGA PINOY.
Mahihintulad
natin ang Twitter sa Yahoo Messenger kasi pareho silang ginagamit para
makipag-chat. Kung tutuusin mas ok ang YM kaysa sa Twitter dahil pwede
mo makita ang ka-chat mo through web cam. Pwede ka mag-transfer ng files
or songs. Lastly, makikita mo kung sino online. Sa tatlong nabanggit
ko, ni isa dun wala sa Twitter. Pero sa dalawa, Twitter ang sikat. Bakit
nga ba? Isa sa maganda sa Twitter makaka-chat mo ang isang artista di
lang dito sa Pinas pati Hollywood. San ka pa. Dito pinapaalam nila kung
ano mga activity nila o mga personal sentiments. Kaya magiging updated
ka sa buhay nila sa araw-araw. Pero may mga bagay na dapat personal na
lang sabihin pero pinapaalam pa sa Twitter kaya madaming nakakaalam.
Maaring isa sa mga dahilan eh gusto nila mapansin sila o mapag-usapan.
Ang nakakatawa lang minsan magkatabi na nga, aba mag-uusap pa sa
Twitter. Pwede naman harapan nilang pag-usapan. Si Kim Atieza, pati sa
Twitter non-stop ang trivia. Hindi ba siya napapagod. Ganun din si Ogie
Diaz na madalas nagpapatawa sa Twitter at may mga blind items pa. Kaya
ang resulta, ayun kasama na siya sa E-Live. DATE: October 31, 2010 (Sunday)
• MIAMI HEAT TALO AGAD.
Usap-usapan
sa mundo ng basketball ang pagkatalo ng Miami Heat laban sa Boston
Celtics. Homecourt ng CELTICS kaya ang crowd ay full support sa kanila.
Dahil ito ang first game ng HEAT, lahat ng tao sa buong mundo ay excited
silang makitang maglaro. Paano ba naman eh nagsama ang tatlong
superstars na sila LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh. Dapat nga
palitan yung name nila na Miami All-Stars. Going back sa game, pinakita
ng CELTICS ang kanilang galing, isama na natin dyan ang bagong recruit
na si Shaq O'Neal na malakas pa din sa shaded area. Hirap ang HEAT at
tanging si LeBron lang ang gumagawa sa kanila. Isang kakulangan sa team
nila ay ang magaling na point guard. Kinain lang ni Rajon Rondo ang mga
bumabantay sa kanila. Sa CELTICS kasi lahat ng position ay may pambato
sila at magaling pa ang coach nila. Kung sa bagay first game pa lang
naman ito at may 82 games pa para patunayan ang kanilang power sa loob
ng basketball court. DATE: October 27, 2010 (Wednesday)
• SK DAPAT NG BUWAGIN.
Isa
po ako sa mga sumasang ayon kay Senator Enrile at sa Congress na oras
na para tanggalin ang Sanggunian Kabataan. Malaki din ang pondo ng mga
ito depende sa lugar kung saan sila nasasakop. Pero may mga balita na
talamak ang corruption dito. May isa nga akong kakilala na kahit
nagta-trabaho na siya sa abroad ay may nakukuha pa siyang allowance mula
sa Barangay. Dahil 3 years nga naman ang term nila. Speaking of
Barangay Captain, sa aming lugar nanalo nung nakaraang barangay election
ang isang taga-simbahan dahil umaasa ang mga tao na may pagbabago dahil
nga naglilingkod ito sa simbahan. Pero ng maupo na sa katungkulan. Gaya
ng iba, naging corrupt din siya. Gumanda ang bahay at nagkaroon ng
mamahaling sasakyan. Di mo siya pwede malapitan agad agad dahil
kailangan mo mag-set ng appointment bago mo siya makausap. Pero itong
election siya ay natalo patunay na gusto ng tao ang pagbabago. Anong
lesson dito, di rin pala guaranteed na kapag taga-simbahan ay hindi
mangungurakot. Dahil nagbabago ang tao pag nasa pwesto at may under the
table na transactions. DATE: October 27, 2010 (Wednesday)
• "JUICY" GINAYA NG THE BUZZ.
Madami ang nagulat baka nagkamali sila ng channel na pinapanood kasi ang isa sa tatlong tagapayo ng Face to Face na si Dra. Camille Garcia ay napanood sa The Buzz. Siya ay tinanong patungkol sa issue ng isang relasyon na katulad sa kaso ni John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. Para maintindihan ng mga viewers kung bakit nangyayari ito. Ang ganitong klaseng format ay mapapanood na natin sa JUICY for almost two months na. Meron silang guest na Numerologist sa katauhan ni Maricel Gaskell. Siya ay tinatanong nila Cristy Fermin patungkol sa isang artista na may issue sa kasalukuyan. Binabase nya ang kanyang sagot sa birthday at pangalan ng artista na siyang sasagot kung bakit ganito ang mga kaganapan.
DATE: October 24, 2010 (Sunday)
DATE: October 24, 2010 (Sunday)