Jojorazzi was first created in April 18, 2010. My main goal is to give my visitors the best experience when searching for related articles. All the topics here are very interesting and updated. I truly appreciate your visit and hope you visit my BLOG on a daily basis...Thank you so much!

PAALAM, WOWOWEE...


PAALAM "WOWOWEE"

Ang programang ito ay nagsimula noong February 5, 2005. Ito lang ang bukod tanging noontime show ng ABS-CBN na nagpataob sa Eat Bulaga for the ratings. Ang sabi nga ni Charo Santos, ang Wowowee is our windows to the world. Dahil madami mga TFC subscribers ang na-hook sa programang ito. Dahil three times a day itong pinapalabas sa America, Europe at Asia.

Naging malapit ang Wowowee sa masang Pilipino dahil pinakita ng programang ito na may pag-asa sa buhay. Madaming TFC subscribers na nasa loob ng studio ay nag-aabot ng pera bilang pagtulong sa isang mahirap na contestant. Di ba nga madami din nagbigay ng pera para sa UNDOY victims pero inabot ang pera daretso kay Willie hindi sa foudation dahil ganun sila nagtitiwala sa programang ito.

Sa kasikatan ng Wowowee, sumikat ang isang Willie Revillame na tinuturing ng masang pilipino na sagot sa kanilang kahirapan. Dahil sa namimigay ito ng pera na mula ABS-CBN sa mga taong hirap sa buhay. Kaya si Willie ang dahilan kaya napalapit ang ABS-CBN sa masang pilipino.

Laging mahaba ang pila sa audience entrance dahil madaming tao ang umaasa na aangat ang buhay nila pag sumali sa Wowowee at makita si Willie in person.

Bakit madami ang pumunta noon sa ULTRA para sa anniversary ng Wowowee? Hindi dahil sa pera, dahil alam nila na ang Wowowee ay programa ng bawat Pilipino. Kaya nagdagsaan ang mga tao para makapanood nito.

Nitong nakaraan MAY Election saksi po ako sa mga taong pumunta sa mga campaign sortee ni Willie ang "Wowowillie meets Rockatropa". Ang daming tao mahirap o mayaman, bata o matanda na ang gusto lang ay makita si Willie at hindi si Manny Villar. Nasa 70,000 ang pumunta sa Mall of Asia. Ang kanyang provincial campaign: Lucena City (60,000) dahil umulan the whole day, Koronadal (160,000), Camarines Sur (300,000), Cabanatuan (200,000 plus), Davao (120,000), Cagayan De Oro (150,000) at Cavite (P150,000) ito ay ayon sa PNP.

Naalala ko ung episode last July 31, 2009 na pinakita ni Willie ung 3 malaking envelope na binigay sa bahay nya mismo. Nang binuksan ang pera ay naglalaman ng P500K,P750K at P750K. At naisip nya na mas makakabuti kung ibahagi na lang ito sa mahihirap na tao.

Ang ilang sa mga tagahanga ng Wowowee ay sina Bin Salman Al Khalifa
Prime Minister ng Bahrain, may ari ng National Book Store at Jollibee pati yung asawa ni Danding Cojuangco.

Nagkaroon nga ng survey ang Ayala Group of Companies para sa mga kababayan natin nasa ibang bansa. Kung anong ang unang pupuntahan nila pagdating ng Pilipinas. Ang number 1 sa survey ay walang iba kundi ang Wowowee.

Ang ilang sa mga di makakalimutang shows ng Wowowee abroad. Last January 2009, ung show nila sa DUBAI na umabot sa 22,000 ang pumunta and it’s a record breaking sa lahat na nag-show duon kahit na ang total capacity ng area ay 20,000.


Click this link to view the video of Wowowee in Dubai
http://www.youtube.com/watch?v=LoxUwU8c9wY&feature=related 
http://www.youtube.com/watch?v=cb7roBsryds&NR=1
http://www.youtube.com/watch?v=3cGCB3Z3Df0 
http://www.youtube.com/watch?v=ond_p0luWss 
 

September 3, 2006 dinagsa ng tao ang Thomas and Mack na kung saan tinalo nila ang concert nila Mariah Carey at Justin Timberlake sa daming nanood. Dahil dito, binigyan si Willie ng recognition mula sa Governor ng Las Vegas. Dineklara na ang September 3 ang Willie Revillame’s Day. First Filipino celebrity so far.


Ito last day ng ere ng Wowowee, alam kong nagluluksa si Willie ngayon dahil binuhos nya ang oras nya at panahon para mapaganda ang programang ito. Siguradong mataas ang ratings nito dahil ang sambayang pilipino ay gusto masilayan ang huling araw na paglisan ng pinakamamahal nilang programa sa tanghalian na inalis dahil sa pangsariling interest ng isang Top Executive. At hindi yung kagustuhan ng masang pilipino. Sana po ay huwag natin suportahan o panoorin ang programang pinalit nila sa Wowowee. Dahil ito ang dahilan kung bakit inalis ang programa ng bawat pilipino.


Click this link to view the last day of Wowowee...
http://www.youtube.com/watch?v=QBUTnsFrykU 
http://www.youtube.com/watch?v=Tftbnhk3iWA
 
Ngayong araw na ito July 30, 2010 ay araw ng pagluluksa. Mababasa sa ano mang social networking site ang pagkalungkot ng taong bayan. Ang mga kababayan natin na walang internet pero batid mo na sila ay nalulungkot din. Ang huling araw ng Wowowee ay nag-register ng pinakamadaming nag-visit sa BLOG ko. Ang lahat ay gusto malaman kung bakit biglaan tinanggal ang Wowowee.

Maraming Salamat, Wowowee. Nag-iisa ka lang at kailanman eh hindi ka mapapantayan ng ano mang programa sa telebisyon. Dahil ang Wowowee at si Willie Revillame ay tumatak na sa puso ng bawat pilipino saan man sulok ng mundo.


videokeman mp3
Wowowee – Willie Revillame Music Code
 
Sulit.com.ph - Buy and Sell Philippines (Advertise Online For Free) Ayala Malls Online Community

New opportunities new beginnings




Search Engine Optimization and SEO Tools

Search Engine Optimization SEO

Search Engine Submission - AddMe
Free Viral Advertising!



Annonces Immobilières
Louhans
Saône-et-Loire
Zilek : Immobilier Louhans